webpagehead
HOME | SP MARCH'80 | MESSAGES | HONOR STUDENTS | CLASS PICTURES | HIGHLIGHTS
MARCH 27, 1980 SOUVENIR PROGRAM

TUGON SA HAMON

NSSPC

...kung kaya't naiuwi ng Tambuli-Chronicler ang karangalang
ikalawang pinakamahusay na pahayagang pampaaralan sa buong bansa.

UGNAYAN

...ang pangunguna ng Arellano Choral Group sa paligsahang sabayang pag-awit ng Ugnayang Kabataan.

BILINGUAL

...ang pagkakapili sa IV-1 Bilingual Choral Group bilang kampeon sa paligsahan sa sabayang pag-awit na itinaguyod ng CMLI.

ELISEO

...ang pagkakatuklas ni Eliseo Marcial ng isang mabisang pamatay-insekto mula sa kakawate na dinala't pinag-aralan sa TRC.

ESSAY

...ang pagkakamit ni Jay L. Reyes ng medalyang pilak bilang ikalawang gantimpala sa dagliang pagsulat ng sanaysay sa Ingles kaugnay ng Araw ng Maynila.

MISSYTEENS

...ang pagkakatampok kay Elinor C. Borromeo bilang Bb. Y-Teens ng Maynila sa taong 1980.

SPORTS

...ang pagiging kampeon nina Ereneo Halili at Susan dela Cruz bilang mga manlalaro. Nagawa nilang panatilihin ang kanilang kahusayan sa larangan ng sipa, bolibol at basketbol.

PAGDIRIWANG-ALAY SA IKA-133 KAARAWAN NI
MAHISTRADO CAYETANO ARELLANO
Ika-2 ng Marso, 1980

SINSPEECH

Naging makulay ang pagdiriwang ng ika-133 kaarawan ni Mahistrado Cayetano Arellano. Binigyang-buhay ito ng misang pasasalamat sa pangunguna ng Kgg. Kardinal Jaime L. Sin na lalong pinatingkad ng marami pang palatuntunan.

AHS BAND

Nagawang pasiglahin ng banda ng AHS ang nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng kanilang masasayang tugtugin.

AHS DANCE

Labis na nakaaliw sa mga sumaksi sa palatuntunan ang sayaw na ipinamalas ng mga piling mananayaw ng paaralan.

MS. SENIORMS. CHARITYMS. FAITH

Tuwa naman ang naghari sa dibdib ng mga nagwaging dilag tulad nina Elizabeth Cawil, napiling Miss Charity; Mary Ann Andreu, bilang Miss Faith at Mercedita Ingal, ang Miss Senior kasama ang konsorteng si Nicolas Santos na sumasagisag naman sa lalaking seniors.

HULING HABILIN
Ng Mga Magsisipagtapos

        Minsan pa ay ibababa na ang tabing sa ikalawang yugto ng dulaang ito ng buhay. Ang pinakamimithi at natatanging sandali sa buhay ng isang senior ay dumatal na. Ito ay ang Araw ng Pagtatapos. Bagama't nag-uumapaw sa aming puso ang kaligayahan ay naroon pa rin at nakapitak ang di matinkalang pagkilala sa mga ama't ina ng paaralan na siyang humubog at nagpunla sa amin ng di-matawarang karunungan.

        Sa pagpanaog namin sa hagdan ng paaralang ito ay taglay namin ang hating anyo ng mukha. Ang kabiyak ay anyong may luha at malabis na pagdaramdam pagka't lilisanin na namin ang paaralang ito na naging pugad ng murang katauhan at tahanan ng maliligaya't malulungkot na sandali sa piling ng aming mga minamahal na guro't kamag-aaral. Ang kabiyak ay lipos ng ligaya nguni't may pangamba. Ligaya, pagka't matagumpay naming naisadula sa tanghalang paaralan ang papel na iniatang sa amin at ngayon nga'y inihahandog namin sa inyo. Nguni't sa kabila nito ay narito ang pangamba, sa ikatlong yugto ng buhay, mapagtagumpayan kaya namin ito?

        Inaasahan namin na ang mga maiiwan naming mga kapuwa mag-aaral ay batbat ng pakikipagsapalaran, tagumpay kung minsan, at kadalasa'y pagkabigo. Hinihiling namin na magpunyagi kayo't gawing aral ang pagkabigo - alang-alang sa minamahal nating Inang Paaralan. Buhayin ang pag-asa at manindigan sa sarili. Ang aming nakaraan, masaya man o malungkot, tagumpay man o bigo, alam nating ito'y nagkatatak na sa pangalan ng Arellano at magiging kalasag sa ikatlong yugto ng buhay.

        Buong tiwalang inihahabilin nina Alvin F. Boller at Ma. Linda O. Catacutan kay Marcela Macuha at Teresita Ronquillo ang pamamatnugot sa Ang Tambuli. Ang The Chronicler ay inihahabilin naman ni Elinor Borromeo kay Rodolfo Carlos, Jr. Sa larangan ng agham, nariyan sina Emily Santuico at Benigno Sauco na inaasahang hahalili kay Mario Sotto. Tinitiyak na lalong ipamamalas ni Pancho Madrid at Felipe Ang ang kanilang galing sa asignaturang Matematika sa susunod na taon. Isinasalin na ni Evelyn Tuesca, reyna ng talumpatian sa Pilipino, ang kanyang korona at ipuputong sa sinumang makakapantay sa kanya. Kung ang pangalang Helen Agtani ay matunog na matunog ngayon sa larangan ng talumpatian sa Ingles, higit siyang kikilalanin sa pagtuntong niya ng ikaapat na taon. Ang hari ng pagsulat ng sanaysay sa Ingles na si Jay Reyes at sa Pilipino na si Henry Mangahas, na nagtamo ng maraming karangalan at gantimpala ay nawa'y maging huwaran nina Cynthia Ilustre at Blaise Portugal.

        Itinatagubilin namin sa inyo ang mga sumusunod: ang pamamatnugot sa Ang Tambuli at The Chronicler, ang pamumuno sa Hi-Y at Y-Teens, kapulungan ng Inang Wika, English Club, Student Catholic Action, Natural Science Club, Mathematics Club, Social Studies Club at Library Club.

        Ang lahat-lahat ay aming iniaatang sa inyo upang pangasiwaang mabuti. Anuman ang mangyari at sa anomang kaparaanan ay kailangang maging matatag ang bawa't isa at magtaglay ng lakas ng loob. Ang tabing ay taas-noo naming ibinababa upang pansamantalang mamahinga tayo, sana taas-noo rin ninyong itaas itong muli sa susunod na taon at idadalangin namin ang inyong ibayong tagumpay.

:::: N E X T ::::