webpagehead
HOME | BAKIT NGA BA? | MESSAGES | AHS CLASS 1980 ORIGIN
B80 LOGO RATIONALE | SEC REGISTRATION | B80: LIKE NO OTHER
APRIL 9, 2005 SOUVENIR PROGRAM

EH, BAKIT NGA BA???

        Heto na naman kami! Pagkatapos ng 25 taon nang huli kaming tumapak sa portals ng aming paaralan, ang Mataas na Paaralang Cayetano Arellano, ay muli kaming magpupugay at magbabalik upang ipadama sa inyong lahat na afterall those years ay narito pa rin kami, alive and kicking “ika nga”.

        Sa isa naming mga miting ay napagkaisahan namin na bumuo ng isang tema na babagay sa aming pagdiriwang ng Silver Jubilee. Sulyap sa Nakaraan, Tanaw sa Kinabukasan. Eh, bakit nga ba ito ang siyang aming napili?

        Marami namang suggestions ang naibigay ng mga dumalo sa pagpupulong na iyon na matapos analisahin ay puro mga pamagat pala ng mga awitin na sumikat noong panahon na kami ay mga mag-aaral pa ng Arellano. Sinundan pa ito ng mga nakakatawang salita mula sa mga pasaway naming mga kaklase kaya’t mapapansin mo na lahat ay nakalabas ang mga pustiso nilang ngipin sa birit ng kanilang pagtawa. Dito na pumasok ang aming cute na kamag-aaral na si Amparo “Ampy” Borja na siyang nagbulong –as in ibinulong lang talaga kay Ricardo “Ric” Banta, ang aming Salutatoryan na pilit nang itinataas ng lahat bilang bagong Balediktoryan (joke lang) sa pagpanaw ng aming Balediktoryan na naging Miss Y-Teens of Manila 1980 na si Elinor Borromeo- ang theme na ito. Hay Ampy, ikaw lang yata talaga ang hindi nagbago sa paglipas ng panahon. Reserved ka pa rin, mahiyain at ayaw malagay sa limelight pero punung-puno pa rin ng ideya ang kaisipan.

        Sulyap Sa Nakaraan. Babalikang muli ang aming naging buhay estudyante noong huling bahagi ng dekada 70. Kaya nga kasama ang larawan ng lumang paaralan sa background ng artikel na ito dahil ito ang huling natanim sa aming ala-ala nang kami ay lumisan. Lilinguning muli ang mga masasayang araw ng high school life kasama rito ang pagbabalik-tanaw sa mga nakamit na karangalan ng batch na naibigay sa AHS.

        Tanaw Sa Kinabukasan. Dito napapaloob ang aming mga layunin at saloobin para sa ating paaralan pati na rin sa mga mag-aaral nito. Kaya nga patuloy pa rin ang mga proyekto na ibig pang gawin ng aming batch para sa ikasusulong ng ating paaralan. Ito nga ang naging driving force namin upang muli kaming magsama-sama at sabay-sabay naming isakatuparan ang mga mithiing ito. Kaya sa muli naming pagbabalik ay nais naming isigaw:

Mabuhay ang Arellano High School,

Mabuhay ang Batch 1980,

Mabuhay Tayong Lahat!!!

:::: N E X T ::::